Tatlong tao ang nasawi habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang isang elf truck sa sa isang bahay sa Dolores, Quezon.

Base sa report ng Dolores Municipal Police Station, nangyari ang trahediya sa Barangay Sta. Lucia dakong 10:00 ng umaga ngayong Lunes.

Kabilang sa mga nasawi ang driver ng elf truck na kinilalang si Romulos Carona.

Sa tindi ng pagsalpok ay nawasak ang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na may iniwasan umanong tricycle ang elf truck na dahilan para mawalan ng control sa manibela ang drayber at sumalpok sa bahay.

Nasawi rin sina Thomas Villanueva at Jerrlyn Villanueva, nakatira sa bahay.

Dinala naman sa ospital sa San Pablo City, Laguna ang mga sugatan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Dolores police sa insidente. --Peewee C. Bacuño/FRJ, GMA Integrated News