Kinagiliwan ng netizens ang sweet ngunit palaban na relasyon ng isang graduating student sa kaniyang ama, na tila “nagpapambuno” sa stage sa San Jose, Batangas.

Sa ulat ng State of the Nation, mapapanood ang video ni Xyrelle Carandang, na tila nakikipagbuno sa kaniyang Tatay Hajie.

Sa likod nito, plano pala ni Xyrelle na isabit at ialay sa kaniyang tatay ang nakuha niyang medalya.

Walang alam si Tatay Hajie sa balak ng kaniyang anak kaya nabigla siya sa pangyayari, at ilang saglit silang “nagpambuno” sa gitna ng seremonya.

Pero sa huli, hinayaan na ni Tatay Hajie ang hiling ng anak sa kaniyang espesyal na araw. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News