Isang babaeng guro ang nasawi habang natutulog matapos na sumabog ang isang granada sa loob ng kaniyang bahay sa Pikit, Cotabato. Ang granada, posible umanong inihagis ng salamin mula sa bintana.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One Mindanao" nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Marichu CabaƱog, 42-anyos, guro sa Balong Elementary School.

Nangyari ang insidente kaninang 2:00 am sa bahay ng biktima sa Barangay Ginatilan sa nasabing bayan.

Ayon sa mga awtoridad, kaagad na nasawi ang biktima dahil sa tinamong mga sugat.

Patuloy pa imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung sino ang naghagis ng granada.

Matatandaan na noong nakaraang Mayo, binaril at napatay naman ang guro na si Joel Reformado na nagtuturo sa Damalasak Elementary school sa Pikit din. --FRJ, GMA Integrated News