Para mapigilan ang pamiminsala ng mga daga sa ilang taniman sa South Cotabato, inilunsad ang proyektong “Buntot ni Daga, Bigas Mo.”
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing papalitan ng pamahalaang panlalawigan ng isang kilong bigas ang bawat 10 buntot ng daga na dadalhin sa mga municipal agricultural office.
Base sa tala ng Office of the Provincial Agriculture, lumalabas na halos nasa 11 munisipalidad na sa lalawigan ang pineste ng mga daga, kabilang ang mga bayan ng Surallah, Tantangan, Lake Sebu at T'boli.
Naglabas na rin ng pondo ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para ipambili ng bigas para sa mga magsasakang magpadadala ng mga buntot ng daga. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News