Patay ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) at isang barangay tanod matapos maaksidente sa Isabela nitong Linggo nang madaling araw, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kinilala ang nasawing SB member na si Michael Angelo Ramones habang ang tanod naman ay si Mario Acupan.

Namatay ang dalawa matapos madisgrasya ang sinasakyan nilang kotse sa pakurbang bahagi ng kalsada papunta sa bayan ng Cabatuan sa Isabela. Sumalpok daw sa concrete barrier ang kotse at bumaliktad.

Dinala sa ospital ang mga biktima pero idineklara silang dead on arrival.  —KBK, GMA Integrated News