Natagpuan sa isang damuhan sa Barangay Talacsan, San Rafael, Bulacan ang bangkay ng isang babae.

Tanging underwear na lamang ang suot ng babae nang makita ito, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Lunes.

Tinatayang nasa 30- hanggang 35-anyos ang biktima, ayon sa San Rafael Police.

May taas daw itong 5 feet hanggang 5 feet at 2 inches. Mestisa rin daw ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.

Nasa morgue naman ng bayan ng San Rafael ang bangkay. —KG, GMA Integrated News