Isinugod sa ospital ang 55 na mga estudyante sa Maguindanao del Norte matapos umanong makalanghap ng pesticide.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao na inilabas din ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing  ang mga biktima ay mag-aaral sa Mirab Elementary School sa bayan ng Upi.

Ayon sa ulat, napag-alamang nakalanghap ng matapang na chemical ang mga bata habang nagsasagawa ng gardening activity.

May mga nawalan ng malay, nagsuka at nahilo, at ayon sa ulat, 23 ang naka-confine, at 32 ang under observation.

Ayon sa Integrated Provincial Healt Office, may nag-spray umano ng pesticide sa kalapit na taniman.

Nasa maayos na nakalagayan ang mga estudyante at nakalabas na sa ospital ang ilan sa kanila, ayon sa ulat.

Pinaalalahanan umano ng lokal na pamahalaan ang mga may taniaman sa lugar na huwag mag-spray ng pesticide kapag may klase sa naturang paaralan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. —LBG, GMA Integrted News