Bumabagsak ang mga stonewall at nanunuyo ang mga pananim sa Maligcong Rice Terraces sa Mountain Province dahil umano sa tagtuyot at pamimeste ng mga bulate.
Iniulat ng Unang Balita nitong Huwebes na ayon sa mga magsasaka sa Maligcong, patuloy ang pagtagas ng tubig dahil sa mga earthworm.
Nagresulta umano ito ng panunuyo ng ang kanilang mga pananim.
Ipinahayag ng Department of Agriculture-Cordillera Administrative Region, epekto umano umano ito ng El Niño phenomenon.
Isa ang Maligcong Rice Terraces sa mga national cultural heritage site sa Pilipinas. —LBG, GMA Integrated News