Pinag-iingat ang mga pupunta sa Puerto Galera upang mag-swimming dahil 26 sa 35 sampling stations ang bumagsak sa water quality testing.
Sa Ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing isinagawa ang testing nito lamang April 14, 2023.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), bagama't nagpapakita ang resulta ng testing na posibleng kontaminado ang tubig sa lugar, pag-aaralan pa raw nila kung dulot ito ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa Naujan, Oriental Mindoro noong ika-28 nitong Pebrero.
Payo ng DENR at ng Department of Health, bawasan muna ang recreational activities sa mga apektadong lugar ng oil spill, dahil sa posibleng masamang epekto sa kalusugan.
Wala pang pahayag si Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan tungkol sa sinabi ng DENR. —LBG, GMA Intergrated News.