Inagahan na ng mga mangingisda ang paghango ng mga bangus sa Binmaley, Pangasinan dahil umano sa banta ng fish kill dala ng pabago-bagong panahaon.
Iniulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na inilabas din sa Unang Balita nitong Biyernes na sa susunod na linggo pa dapat sila maghahango, pero dahil umano sa pabigla-bigla ang ulan sa gitna ng mainit na panahon, baka masayang daw ang kanilang mga isda kapag hindi sila magsagawa ng forced harvest.
Sinabi ng office ng Provincial Agriculturist, nauubos ang oxygen sa tubig sa pabago-bagong panahon na nagiging dahilan ng fish kill, ayon sa ulat. —LBG, GMA Integrated News