Nakaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ang mahigit 100 katao dahil sa food poisoning umano matapos silang kumain ng ginataan sa Jolo, Sulu.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing ilan pa sa kanila ang nawalan ng malay dahil sa kanilang nakain.
Labing dalawang katao na lamang ang naka-confine, base sa pinakahuling update.
Sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction Office na ang tropa ng militar ang naghain ng ginataan bilang meryenda sa camping.
Iniimbestigahan na ng Philippine Army ang insidente. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News