Isang vintage bomb na pinaniniwalaang mula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nahukay sa isang beach sa Noveleta, Cavite.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing nagsasagawa ng dredging operation noon ang lokal na pamahalaan nang masama ang bomba sa nahukay ng backhoe.

Ang bomba ay may habang mahigit 28 sentimetro at may bigat na mahigit tatlong kilo.

May Japanese characters na nakaukit sa natagpuang vintage bomb, na tinurnover sa explosive ordnance disposal unit ng Philippine National Police.  — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News