Pinagbabaril at napatay sa kaniyang sasakyan sa Sultan Kudarat ang isang Maguindanao election officer. Ang Commission on Elections (Comelec), mariing kinondena ang krimen.
Sa paunang impormasyon mula sa pulisya, kinilala ang biktima na si Haviv M. Maindan, Election Officer II of Sultan sa Barongis, Maguindanao
Inihayag naman sa inilabas na pahayag ng Comelec na magdiriwang na ika-56 kaarawan ang biktima sa Marso, at 15 taon na siya sa serbisyo.
Nangyari ang pananambang sa National Highway sa Purok Libas, Barangay Pinguiaman sa Lambayong, Sultan Kudarat kanina.
Papunta umano ang biktima, kasama ang isa pa, sa Sultan sa Barongis nang pagbabarilin sila ng mga salarin sa sasakyan dakong 2:30 pm.
Tanging si Maindan lamang ang pinuntirya ng mga tumakas na salarin.
Ayon sa Comelec, nakikipagtulungan sila sa pulisya para mabigyan ng hustisya su Maindan.
"His untimely demise left behind his wife and four children, all of whom are still in school, with the eldest in college and the youngest in elementary. They all have lost a loving husband and an ever doting and caring father," ayon sa Comelec.
"With the unknown assailants still at large, Chairman George Erwin M. Garcia, the Commissioners and the whole Commission on Elections commit to the family of EO Maindan that we will not rest until justice is served," dagdag ng komisyon. — FRJ, GMA Integrated News