Kumikita ang ilang persons deprived of liberty (PDLs) o inmates sa Pangasinan sa pamamagitan ng paggawa ng parol sa loob ng kulungan.

Sa video mula sa GMA Regional TV One North Central Luzon na ipinalabas ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing 50 hanggang 80 na mga parol ang nagagawa ng mga preso sa Dagupan, Pangsasinan kada araw.

Ginagawa naman umanong palamuti sa plaza sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan ang mga gawang parol.

Samantala, sa Vigan Ilocos Sur, mga recycled plastic bottles naman ang ginamit ng mga preso sa paggawa ng mga parol. —LBG, GMA Integrated News