Nahuli-cam ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa Calasiao, Pangasinan na nagresulta sa pagkasawi ng isang rider.
Sa ulat ni Claire Lacanilao sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Banlag.
Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang mga sakay ng dalawang motorsiklo.
Nasawi ang rider na si Jestoni Ramos, tubong San Carlos City, Pangasinan, at mayroong dalawang batang anak.
Sugatan naman at nagpapagaling sa ospital ang nakabanggaan niyang rider at angkas nito.
Payo ng pulisya sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho lalo na ngayong may pag-ulan na madulas ang lansangan.--FRJ, GMA News