Naaresto ng mga awtoridad sa Pamplona, Camarines Sur ang suspek sa pagpatay sa 15-anyos na siklistang si Princess Marie Dumantay.
Sinabi ni Mark Makalalad ng Dobol B TV nitong Biyernes, na batay sa ulat mula kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Police Brigadier General Ronald Lee, kinilala ang suspek na si Gaspar Maneja Jr.
FLASH REPORT: Suspek sa pagpatay sa 15-anyos na dalagita sa Bulacan, naaresto ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Pamplona, Camarines Sur. | via @MMakalalad pic.twitter.com/zoOQtfUKGG
— DZBB Super Radyo (@dzbb) August 18, 2022
Kilala rin umano si Maneja bilang si Jose Francisco Santos, na inaresto sa bisa ng arrest warrant para sa kasong rape at violation of Republic Act 7610 o anti-child abuse law.
Matatandaan na ilang araw matapos mawala, nakita ang bangkay ni Dumantay noong August 12 sa madamong bahagi sa gilid ng kalsada sa Bustos, Bulacan.
Nagtamo ng mga pasa, paso ng sigarilyo at marka ng sakal ang biktima. —FRJ, GMA News