Isang tulay ang nasira at tinangay ng baha sa Barangay Cadayacan, Maria Aurora sa lalawigan na Aurora.

Sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Martes, halos 14 oras na-stranded ang ilang residente matapos tangayin ng baha ang detour bridge.

Umapaw kasi ang Pacucao River dahil sa matinding pag-ulan.

Nakituloy na lamang ang mga apektadong residente sa mga kabahayan malapit sa nasirang tulay.

Agad namang kinumpuni ng kontraktor ang tulay at muli nang nadaraanan ito ngayon.

Ayon sa PAGASA, ang mga pag-ulan ay dala ng hanging habagat at localized thunderstorms. â€”Alzel Laguardia/KG, GMA News