Aabot sa 29,000 kilos ang mga isda na nagkakahalaga ng P3.2 milyon ang namatay sa loob ng fish cages sa Agoncillo, Batangas.
Batay the damage assessment report for fisheries ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong August 8, 2022, "the volume of loss is at 29,000 kilograms, amounting to PhP 3,232,000."
Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, batay na rin sa report ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, na aabot umano sa 29 na fish cage operators ang apektado ng fish kill.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Agoncilio, batay na rin sa pahayag ng BFAR, maaaring kakulangan sa oxygen ang ikinamatay ng mga isda.
Ibinaon na umano sa lupa ang tone-toneladang mga patay na isda upang hindi umalingasaw ang amoy na maaaring makasama sa kalusugan ng mga residente. —LBG, GMA News