Patay ang isang mag-ama dahil sa sunog na tumupok ng 15 kabahayan sa Orani, Bataan, nitong Lunes ng umaga, ayon sa ulat ni Nico Waje sa Unang Balita nitong Martes. 

Na-trap ang mag-ama sa sunog na tumagal ng halos isang oras bago naapula.

Para mabilis na maapula ang apoy, tinulungan na ng mga residente ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection gamit ang mga timba at hose.

Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.  —Alzel Laguardia/KBK, GMA News