Patay ang isang aso na pinaniniwalaang nagkaroon ng sakit na dengue sa Kalibo, Aklan.

Sa ulat ni Jan Allen Ascano ng Super Radyo Kalibo, sinabing emosyonal na isinalaysay ng pet owner na si Windy Delos Santos ang pagkamatay ng aso niyang si Dino, dahil umano sa dengue noong Hulyo 13.

Bago nito, ginamot muna si Dino sa isang veterinary clinic sa naturang bayan.

Ayon kay Windy, pinaniniwalaan ng beterinaryo na nasawi ang aso sa dengue dahil sa dengue-like symptoms na pinakikita ni Dino gaya ng pagdurugo ng gilagid, lagnat at paghina ng resistensiya.

 

 

Isang Mini Poodle si Dino na walong taong gulang na.

Hindi naman maikaila ang pagmamahal ni Windy kay Dino dahil kung saan siya pumupunta ay dala-dala niya ito at katabi pa niya sa pagtulog.

Matapos ang isang linggong burol, inilibing na si Dino sa hardin na paborito nitong tambaan noong nabubuhay pa. —Jamil Santos/LBG, GMA News