Nasabat ng mga awtoridad sa Clark, Pampanga ang P3 milyong halaga ng umano'y ketamine na itinago sa package.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), itinago ang ketamine sa isang package ng air purifier, ayon sa ulat  ng Unang Balita nitong Biyernes.

Aabot sa 600 gramo ang droga na dumating sa Port of Clark noong May 12.

Arestado ang suspek na isang Taiwanese.

Ayon sa mga awtoridad, ang ketamine ay isang dangerous drug na nakaka-cause ng hallucinations o pagka-high.

Walang pahayag ang suspek. —LBG, GMA News