Binaha ang ilang lugar sa Mindanao bunsod ng malalakas na pag-ulan nitong Martes, na nagdulot ng pagka-antala ng ilang motorista.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, stranded ang ilang mga motorista dahil sa rumaragasang baha sa bayan ng Upi sa Maguindanao.

Nagmistulang waterfalls ang tubig na nahuhulog sa bangin.

Humupa ang baha pasado 6:30 ng gabi, ayon sa ulat.

Wala naman umanong naiulat na nasaktan sa baha. —LBG, GMA News