Mahigit sampung alagang aso ang sunod-sunod na namatay sa isang barangay sa Paniqui, Tarlac.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing naghinala ang mga pet owner na nilason ang kanilang mga alaga.
Posible na sa madaling-araw ginagawa ang umano'y panglalason.
Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente.
Kinondena naman ang Animal Kingdom Foundation (AKF) ang nagyari at tunawag itong "animal cruelty."
Samantala, may naitala rin umanong insidente ng panglalason sa mga alagang aso at pusa sa Pangasinan noong Pebrero. —LBG, GMA News