Naputulan ng paa ang isang rider at malubhang nasugatan ang kaniyang angkas matapos masalpok ng isang kotse ang kanilang motorsiklo sa Rosales, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Miyerkules, makikita sa kuha ng CCTV sa isang intersection sa Barangay Cabalaoangan, na nakatigil ang isang motorsiklo.

Maya-maya lang, nagdiretso-diretso naman ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima.

Nang nasa gitna na sila ng kalsada, biglang sumulpot ang humaharurot na kotse ang nasalpok ang mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawang biktima.

Ayon sa ulat, naputulan ng paa ang rider habang kritikal sa pagamutan ang kaniyang angkas. --FRJ, GMA News