Mula sa motel, sa kulungan ang bagsak ng isang 33-anyos na ginang at ang lalaki na umano'y kalaguyo nito sa Laoag City, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Miyerkules, sinabing mismong ang hipag ang nakakita sa ginang na pumasok sa motel kasama ang umano'y kalaguyo.

Kaagad na nagsumbong ang hipag sa kaniyang kapatid, na mister ng ginang.

Humingi naman sila ng tulong sa pulisya para mapasok sa motel.

Doon na umano nakita ang ginang at ang lalaki na magkasama sa isang kuwarto ng motel.

Desidido ang mister na kasuhan ang kaniyag misis at ang umano'y kalaguyo nito. --FRJ, GMA News