Mala piyesta ang tema ng Christmas decoration sa isang bahay sa bayan ng Lucban, Quezon sa dami ng makukulay na Christmas lights at palamuti.

Iba’t ibang kulay ng parol na may ilaw ang nakasabit sa buong bahay kaya talagang kumukuti-kutitap ito.

Ang bahay na ito ay may taas na tatlong palapag subalit hindi naging hadlang ang laki at taas nito para malagyan ng palamuti.

Taon-taon na naglalagay ng palamuti ang tahanang ito.

JKarlos Juacalla
JKarlos Juacalla

Dinarayo na ito ngayon ng maraming residente ng Quezon at Laguna. —LBG, GMA News