Nagliyab ang isang tricyle matapos na makabanggaan ang isang motorsiklo sa Sarangani. Ang driver ng tricycle, naipit sa kaniyang sasakyan at nasunog.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Huwebes, sinabing papunta sana sa libing ang biktimang si Anthony Abrasado nang mangyari ang malagim na insidente sa Malapatan, Saranggani.

Kasama raw ni Abrasado ang dalawang kaanak nang banggain sila ng motorsiklo sa Barangay Poblacion.

Sa lakas pagkakabangga, naiipit ang paa ni Abrasado sa tricycle kaya hindi siya nakaalis hanggang sa nagliyad na ang kaniyang sasakyan.

Sugatan naman ang dalawang sakay ng biktima at ang nakabanggaang rider, na naka-hospital arrest.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.--FRJ, GMA News