Arestado ang apat na lalaki matapos mahulihan ng mahigit na 6,000 wrinkle-lipped bats o paniki sa San Miguel, Bulacan.
Ayon sa pulisya, nahuli ang mga suspek sa Biak-na Bato National Park (BNBNP).
Nakatakda umanong dalhin ang mga paniki sa ilang exotic restaurant. Nagsabing nagkakahalaga raw ang mga ito ng P90,000 kapag ibinenta.
Kabilang ang paniki sa listahan ng mga vulnerable species ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng Administrative Order No. 2019-09 o ang Updated National List of Threatened Philippine Fauna and their Categories.
Nakilala naman ang mga suspek na sina Rolando Santiago, Reynante Gonzales, Rejie Mangahas, at Ronald Santiago.
Sinampahan na ng reklamo ang mga ito para sa paglabag sa National Integrated Protected Areas System Law, ngunit pansamantala silang nakalaya matapos mag-piyansa. —Sherylin Untalan/KG, GMA News