Patay ang isang lalaki at sugatan naman ang kaniyang asawa matapos silang barilin sa harapan ng kanilang bahay sa Imus, Cavite.
Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang nasawing biktima na si David Garcia, residente ng Barangay Malagasang II-B.
Sugatan naman ang kaniyang asawa na isinugod sa ospital.
Ayon sa kanilang kaanak, naghahanda ang mag-asawa para sa ihahatid na parcel nang biglang dumating ang nag-iisang salarin na sakay ng motorsiklo ang pinagbabaril ang mag-asawa.
Sinubukan pa raw nilang habulin ang salarin pero napatigil sila nang tutukan sila ng baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.--FRJ, GMA News