Pumanaw nitong Lunes sa edad na 82 ang dating gobernador ng Cebu na si Emilio Mario "Lito" Osmeña.

Ang pagpanaw ng dating gobernador ay kinumpirma sa Facebook post ng kaniyang pamangkin na si Cebu City Councilor Renato "Junjun" Osmeña Jr.

"Rest in peace, uncle Lito Osmeña. Thank you so much for everything you have taught me, not only about politics but also about life. As an Osmeña, we are very proud of all the good you have done in the beginning and in the country. You will be missed, uncle. We love you," saad ni Junjun sa post.

Nagsilbi si Lito bilang gobernador ng Cebu mula 1988 hanggang 1992.

Si Lito ang itinuturing ama ng Cebu Economic boom o "Ceboom."

Kapatid siya ni dating senador Sonny Osmeña na pumanaw nito lang nakaraang Pebrero.

Pinsan naman niya sina dating senador Serge Osmeña III at dating Cebu City Mayor Tommy Osmeña.--FRJ, GMA News