Patay ang isang 12-anyos na binatilyo nang matuhog ng bakal sa isang construction site sa Misamis Oriental.
Iniulat sa "Unang Balita" nitong Miyerkules na nangyari ang insidente sa bayan ng El Salvador.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, huling nakitang buhay ang biktima habang hinhabol nito ang kanyang alagang manok.
Posible umano na nawalan ng balanse ang bata at nahulog sa ginagawang hukay ng itinatayong gusali sa likod ng kanilang bahay.
Dagdag pa, wala raw maayos na warning sign ang construction site.
Nagkausap na umano ang contractor at mga magulang ng bata. —LBG, GMA News