Nasabat ng mga awtoridad ang isang bulto ng shabu na nakabalot sa teabag sa San Pedro, Laguna.
Iniulat ng “Unang Balita” nitong Huwebes na ang dalawang kilo ng “tsaa-bu” ay nagkakahalaga ng P13.6 milyon.
Naaresto naman ang isang drayber na kinilalang si Edgar Fil Saquilan, alyas “Kalbo”, ayon sa mga awtoridad.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-o-operate si Kalbo sa NCR, Central Luzon, Calabarzon, at maging sa ilang bahagi ng Mindanao.
Kasamahan umano ni Kalbo ang unang naaresto na suspek sa Imus, Cavite.
Dagdag pa ng mga awtoridad, isang Chinese umano na naka-base sa Hong Kong ang pinagkukunan ng mga suspek ng droga.
Wala pang pahayag si Kalbo. —LBG, GMA News