KALIBO, Aklan —Puspusan na ang paghahanda ng local government sa inaasahang pagdating ng 16,200 doses ng AstraZeneca sa mga darating na mga linggo.

Pahayag ni Kalibo Mayor Emerson Lachica, nangako ang AstraZeneca na kasama sa second batch ang bayan ng Kalibo, kabilang ang may 80 na local government units sa buong bansa.

Kabilang sa paghahanda ang isinagawang simulation exercise ng lokal na pamahalaan ng Kalibo sa pagsundo ng bakuna sa Kalibo International Airport hanggang sa paghatid nito sa Cold Storage Facility ng bayan.

Ayon kay Lachica, bagaman may mga isyu hingil sa AstraZeneca naka order na daw kasi sila at wala pang abiso ang Department of Health tungkol dito.

Matapos ang isinagawang simulation exercise, itatakda rin ang isa pang simulation activity ng pagbabakuna sa mga residente. —LBG, GMA News