Anim na barangay sa Katipunan, Zamboanga del Norte ang binaha dahil sa thunderstorms, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Wala raw patid ang ulan sa lugar mula pa noong Sabado.

Ilang bahay ang pinasok ng tubig-baha kaya umakyat na sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang ilang residente.

Binaha rin ang isang paaralan at ilang palayan.

Humupa rin ang baha kinalaunan. --KBK, GMA News