CEBU CITY - Nadagdagan ng 26 ang mga kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Cebu nitong Sabado, ayon sa datos ng Department of Health-Central Visayas.
Dahil dito, umakyat na sa 5,027 ang kabuuang bilang ng mga natamaan ng sakit sa lalawigan. Noong Biyernes ay 5,008 lamang ito.
Lima ang nadagdag sa mga gumaling, kaya naging 4,110 na ang kabuuang recoveries.
Walang nadagdag sa mga namatay nitong Sabado kaya nanatili sa 327 ang death toll.
Mayroon pang 590 na active cases ng COVID-19 ang lalawigan.
Cebu City
Ang Cebu City ay nakapagtala din ng 25 na bagong kaso ng COVID-19 kaya umakyat na sa 9,720 ang mga natamaan ng sakit sa lungsod.
Walang nadagdag sa mga gumaling at nasawi nitong Sabado kaya ang kabuuang bilang ng recoveries ay nanatili sa 8,667 at ang mga nasawi naman ay nanatili rin sa 661 ang bilang.
Ayon sa DOH Central Visayas, 392 pa ang kabuuang bilang ng active cases ng naturang sakit sa Cebu City.
Lapu-Lapu City
Ang lungsod naman ng Lapu-Lapu ay nakapagtala ng apat na bagong kaso ng sakit at 16 na new recoveries.
Dahil dito, tumaas sa 2,246 na ang bilang ng mga natamaan ng sakit sa lungsod habang 1,964 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
Walang naitalang bagong namatay dahil sa sakit nitong Sabado kaya nanatili sa 92 ang bilang nito.
Mayroon pang 190 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Lapu-Lapu.
Mandaue City
Ang Mandaue City ay nakapagtala rin ng apat na bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado at limang recoveries.
Dahil dito, umabot na sa 2,319 ang lahat ng natamaan ng naturang sakit sa lugar at 1,944 naman ang kabuuang recoveries.
Walang naitalang namatay nitong Sabado sa lugar kaya nanatili ang bilang ng mga namatay sa 127.
Mayroon pang 248 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Mandaue City.
Ayon kay Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña, kabilang ang Cebu sa mga lugar kung saan gagawin ang clinical trials para sa COVID-19 vaccine. —KG, GMA News