CEBU - Umabot na sa 11,772 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Cebu Island nitong Sabado, ayon sa datos ng Department of Health - Central Visayas.
Ang mga active cases dito ay 6,339.
Cebu City
Sa Cebu City, nakapagtala ng 113 na bagong kaso ng COVID-19 kaya umakyat na sa 7,359 ang kubuuang bilang nito.
Ang mga gumaling naman ay nadagdagan ng 87 kaya nasa 3,737 na ang kabuuang recoveries sa siyudad.
Dalawa naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya nasa 358 na ang mga namatay.
Mayroon pang 3,264 na active cases ang lungsod.
Cebu Province
Ang Cebu Province nakapagtala ng 71 na bagong kaso ng sakit at 18 recoveries. Dalawa ang nasawi.
Sa kabuuan, mayroon ng 1,977 na kaso ng sakit ang lalawigan, 449 recoveries at 108 deaths.
Mayroon pang 1,420 na active cases ng sakit ang lalawigan.
Mandaue City
Ang Mandaue City, Cebu naman ay nakapagtala ng 39 na bagong kaso ng sakit at pitong recoveries.
Sa kabuuan, mayroon ng 1,244 na kaso ng COVID-19 ang siyudad, 407 recoveries at 36 deaths.
Mayroon pang 801 na active cases ng sakit ang lungsod.
Lapu-Lapu City
Ang Lapu-Lapu City, Cebu nakapagtala ng 83 na bagong kasong COVID-19, four recoveries at two deaths.
Sa kabuuan, mayroon ng 1,192 na kaso ng sakit ang lungsod, 307 recoveries at 31 deaths.
Mayroon pang 854 na active cases ng COVID-19 ang lungsod. —KG, GMA News