Isang senior citizen sa San Remigio, Antique na naglalakad lang pauwi ang biglang pinagtataga at pinugutan ng dalawang umano'y lasing na lalaki.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, kinilala ang biktimang si Ronilo Aniceto, 63-taong gulang.

Agad namang naareto ang dalawang suspek na sina Ruben Gregorio at Joseph Anacleto. Bagama't kapwa lasing, hindi pa malinaw kung ano ang kanilang motibo.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga naaresto. --KBK, GMA News