Dalawang babae ang nagsabunutan sa General Santos City dahil sa away sa parking, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Natigil lang ang sabunutan nang matumba ang isang babae.

Ayon sa mga saksi, nag-away ang dalawa matapos mag-park ang isa sa kanila at maharangan ng isa pa ang likuran ng sasakyan.

Nagkaayos ang dalawa nang dalhin sila sa presinto. Hindi sila nagpaunlak ng panayam. --KBK, GMA News