Isang menor de edad na may problema umano sa pag-iisip ang minolestiya at pinagbubugbog sa Malolos, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Suspek sa krimen ang 47-anyos na kapitbahay ng biktima.

Ayon sa tiyahin ng biktima, isinama ng suspek ang dalagita sa pagkuha ng cash subsidy pero sa bahay niya ito dinala. Doon daw naganap ang panghahalay at pang-aabuso.

Nakatakas lang ang biktima matapos itong magpatay-patayan at makahanap ng tiyempo. Ilang residente na nakakita sa kaniya ang nagdala sa kaniya sa munisipyo.

Samantala, arestado naman ang suspek at na-inquest na para sa reklamong seduction of minor at physical injuries in relation to child abuse. Pansamantala siyang nakalaya matapos makapag-piyansa. --KBK, GMA News