Namataan nitong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) sa Donsol, Sorsogon ang isang butanding o whale shark. 

Nakunan ito ng drone camera ng Bicol Dive Center sa Sorsogon habang sinusubukan nilang patakbuhin ang isang bangka.

Animo'y namamasyal at naghahanap ng pagkain ang butanding.

 

Posted by Lita B Rodel on Saturday, April 11, 2020

 

Matagal din daw itong nagpaikot-ikot. 

Ang Donsol, Sorsogon ay kilala bilang tourist destination dahil sa sightings ng mga butanding sa karagatan. —Peewee Bacuño/KG, GMA News