SURIGAO DEL SUR — Isang pagtitipon sa Bacuag, Surigao del Norte para sa ika-51 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines ay kinansela kasunod ng mga ulat na dumating rin sa bayan ang mga tropa ng gobyerno.
Sinabi ni Ka Oto, tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) Front 16, na hindi na matutuloy ang pagtitipon ng mga nangungunang pinuno ng CPP-NPA-NDF dahil sa presensya ng mga sundalo.
Pinayuhan nito ang mga reporters na magko-cover sana sa nasabing activity na huwag nang tumuloy at bumalik na lang sa kani-kanilang pinanggalingan.
“Hindi na safe para sa inyo para magpunta pa rito,” aniya sa kanyang mensahe sa mga reporters na nagtipon-tipon sa labas ng nasabing lungsod.
Mahigit kumulang 15 na reporters mula sa Iligan City, Cagayan de Oro City, Butuan, Gingoog at Davao City ang papunta sana sa Bacuag.
Sakay ng tatlong van, natanggap ng mga mamamahayag ang mensahe ni Ka Oto bandang alas-7 ng gabi na nagsasabing ang mga sundalo ay nagsimulang dumating sa bayan nang mas maaga sa hapon ng Linggo at "cordoned" ang lugar kung saan sana mangyayari ang pagdiriwang ng mga rebelde.
Dagdag pa ni Ka Oto na ang mga ibang bisita ay sinabihan din nila na hindi na safe ang Bacuag dahil ang mga sundalo at rebelde ay nag-stand off. Hindi na sinabi ni Ka Oto kung ano ang susunod na mangyayari.
Nauna nang binalaan ng Armed Forces of the Philippines ang mga lokal na pamahalaan ng gobyerno na huwag mag-host ng anumang aktibidad na may kaugnayan sa 51st founding anniversary ng CPP noong Disyembre 26. — BM, GMA News