Natagpuang nakasako at palutang-lutang sa ilog ang bangkay ng isang dalagita sa Banga, South Cotabato, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Duguan at nakagapos ang mga kamay ng biktimang kinilalang si Barbie Inocencio na naka-school uniform pa.

Napag-alamang dalawang araw nang nawawala ang biktima.

Nakahanda namang bigyan ng pabuya ang sinumang makapagtuturo sa salarin.

Samantala, sa Siquijor, isang 11-anyos na batang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng sako.

Kinilala ang bata na si Vincent Buru-anga.

Ang lolo ng biktima ang itinuturong nasa likod ng krimen.

Narinig umano ng tiyahin ng biktima na umiiyak na nagmamakaawa ang bata sa lolo niya bago ito nawala.

Itinatanggi naman ng lolo ang alegasyon. —KBK, GMA News