SARIAYA, Quezon - Nagliwanag ang gusali at ang paligid ng pamahalaang bayan ng Sariaya, Quezon nang buksan ang mga pailaw o Christmas lights nito, Linggo ng gabi.

Bago buksan ang mga Christmas lights ay nagkaroon muna ng maikling programa. Napuno ng mga tao ang harapan ng munisipyo. Lahat ay excited at matiyagang nag-abang.

Matapos ang programa ay sabay-sabay na bumilang ang mga tao at saka binuksan ang makukulay na Christmas lights sa gusali at sa mga puno sa paligid nito.

 

Nagningning ang gusali ng munisipyo ng Sariaya, Quezon at sabay sa pagkislap ng mga pailaw ay mga awiting pamasko nitong Linggo, Nobyembre 17, 2019. Peewee Bacuño

 

Nagningning ang gusali ng munisipyo at sabay sa pagkislap ng mga pailaw ang mga awiting pamasko.

Nagkaroon ng fireworks display na tumagal ng 20 minuto. Lahat ay enjoy na enjoy sa panonood.

Enjoy naman sa paglilibot at pagse-selfie ang mga residente ng Sariaya sa tunnel of lights na naka-puwesto sa harapan ng munisipyo.

Makikita rin dito ang kanilang giant Christmas tree.

Lalo pang naging masaya ang gabi nang mang-harana ng mga awiting pamasko ang Oroquieta Chamber Singers na talagang world class ang boses. —KG, GMA News