Isang batang babae na 3-taong gulang ang natagpuang patay sa San Pedro, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Walang saplot at naaagnas na ang bangkay ni Hanna Batal na nakita sa damuhan malapit sa riles.

Ayon sa pulisya, Biyernes nang gabi nang mapansin ng ama ng biktima na nawawala ang kanyang anak.

Nasa tabi raw niya si Hanna nang makaidlip sa terminal ng minamanehong tricycle.

Pero wala na ito nang magising siya.

May nakakita raw kay hanna sa peryahan na dinampot ng isang lalaki.

Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy para matukoy kung minolestiya ang bata bago patayin. —KBK, GMA News