Masayang isinagawa ang tradisyunal na Salubong o Encuentro sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.
Ang Salubong o Encuentro ay ang muling pagkikita ng nabuhay na si Hesus at ng nagluluksang si Maria.
Bago ang pagsasagawa ng Salubong ay nagkaroon muna ng Misa sa parokya na dinaluhan ng mga deboto.
Matapos ang misa ay nagsama-sama ang mga kalalakihan kasama ang imahe ng nabuhay na si Hesus habang nagsma-sama rin ang mga kababaihan kasama ang imahe ni Maria upang isagawa ang prusisyon.
Magkahiwalay na umikot sa kabayanan ang prusisyon at nagsalubong sa harapan ng simbahan.
Nang magsalubong ang dalwang imahe ay masayang umawit ang mga batang nakaputi na naka bihis Anghel.
Bago matapos ang pag-awit ay unti unting tinanggal ang itim na belo ni Maria hudyat na tapos na ang kanyang pagluluksa.
Nagsaboy rin sila ng mga bulaklak habang umaawit.
Natapos ang Salubong o Encuentro pasado 12:00 ng umaga kanina. —LBG, GMA News