Patay ang isang batang tatlong-taong-gulang matapos na malunok umano ang pinaglalaruang lobo na pumutok kinalaunan sa Surigao City.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabi ng ina ng batang nasawi na si Rhygel Bolambo, na naglalaro ng lobo ang kaniyang anak habang abala sila sa mga gawaing bahay.

Hindi umano nila namalayan kaagad na pumutok na pala ang lobo na nilalaro ng bata at nilunok nito.

Sinasabing bumara ang lobo sa lalamunan ng bata na dahilan para nahirapan siya huminga.

Kaagad nilang dinala ang bata sa ospital pero idineklarang dead on arrival. -- FRJ, GMA News