Matamis na ngiti at mahigpit na yapak ang tinanggap ng isang lalaking overseas Filipino worker (OFW) mula sa kaniyang ama at ina na kaniyang sinorpresa sa higaan.

Sa ulat ng programang "Dapat Alam Mo!," ipinakita ang video ng OFW na si Jholee Barres na dahan-dahan na sumiksik sa gitna ng kaniyang natutulog na ama't ina.

Nang maramdam ang kaniyang bigat, napatingin ang kaniyang mga magulang at mababakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha nang mapagtanto na ang anak nilang OFW ang tumabi sa kanila.

Para kay Barres, espesyal at walang katumbas na halaga ang naturang sandali dahil 2020 pa nang huli niyang mayakap ang kaniyang mga magulang bago siyang lumipad patungong Taiwan para magtrabaho.

Naging mahirap para kay Barres ang naturang panahon dahil pagdating niya sa Taiwan ay nagkaroon ng sakit at naging labas-pasok sa ospital ang kaniyang ina.

Gustuhin man niyang umuwi para maalagaan ang ina ay hindi niya pa niya maaaring gawin.

Kaya naman labis ang kaniyang saya nang puwede na siyang umuwi sa bansa at naisipan niyang sorpresahin ang kaniyang mga magulang na naging matagumpay naman na makikita sa reaksyon ng kaniyang ama't ina.--FRJ, GMA Integrated News