Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatlong Filipino na ang kumpirmadong nasawi sa ginawang pag-atake ng militanteng grupong Hamas sa Israel.
“I regret to inform you that yes, it is confirmed there is a third Filipino casualty, a 49-year-old woman from Negros Occidental,” ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa Palace briefing nitong Biyernes.
“Her family is aware. The President is aware,” dagdag ng opisyal.
Ayon kay De Vega, babaeng caregiver ang naturang Filipino, na kasama sa mga dumalo sa music festival na kabilang sa mga lugar na sinalakay ng Hamas na mula sa Gaza.
BASAHIN: Pinay nurse na nasawi sa Israel, puwedeng tumakas pero piniling 'wag iwan ang pasyente
“There was a musical festival there and there were a lot of people who were killed attending that music festival, which was usually held during the Sukkot, which is an Israeli holiday. What we understand, she is one of the attendees and a lot of people died there,” sabi ni De Vera.
Ayon sa opisyal, isinailalim sa DNA testing ang mga labi ng naturang OFW para makumpirma ang kaniyang pagkakakilanlan.
“The embassy said morgue and Jerusalem police confirmed. It's Filipino. The employer I think tweeted also,” pahayag pa ni De Vega.
“Why do you need testing? Why does it need time? Unfortunately, a lot of the bodies of those who were killed were mutilated or burned or so that's why it is taking time,” paliwanag niya.
BASAHIN: OFW na nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel, planong sorpresahin ang ina sa Pasko
Sinabi rin ni De Vega, na mayroong pang tatlong Pinoy ang patuloy na hinahanap.
Nauna nang kinilala ang dalawang Pinoy na nasawi na sina Angeline Aguirre, isang nurse, at Paul Vincent Castelvi, isang caregiver.
Si Aguirre ay nasawi kasama ng kaniyang amo na pinagbabaril sa bomb shelter sa Israel.
Hindi naman malinaw ang naging huling mga sandali ni Castelvi, pero napag-alaman na planong niyang umuwi sa Pilipinas sa Pasko at sosorpresahin ang kaniyang ina.
Nauna nang inihayag ng pamahalaan na inaasikaso na nila ang pagpapauwi sa mga labi ng mga nasawi, gayundin ang repatriation sa mga Pinoy sa Israel na nais na munang bumalik sa Pilipinas. -- FRJ, GMA Integrated News