NEW YORK CITY — Nasa 9,000 nurse na nagtatrabaho sa New York City Health + Hospitals system, kabilang ang daan-daang Pilipino, ang nagtipon-tipon para iprotesta ang mga umano'y kakulangan sa sistema.
Sabay-sabay na nagprotesta ang nurses sa tatlong public hospital sa New York City para hilingin sa city government ang pagkakaroon ng safe staffing standard at tamang kumpensasyon para sa public hospital nurses.
Lumabas at nag-ingay sa harap ng Elmhurst Hospital s? Queens ang mga nurse para ihayag ang kanilang pagkadismaya s? mabagal na aksyon ng tanggapan ni New York City Mayor Eric Adams s? kanilang mga hinaing.
Ayon sa nurse na si Laiza Romero, maraming nurse sa city hospital ang lumilipat sa private hospital dahil sa mataas na suweldo at ligtas na working environment kaya unti-unti ng naapektuhan ang kalidad ng pag-aalaga sa mga pasyente.
"We cannot retain nurses, everybody is leaving and the city is hiring agency nurses and it cost them more instead of giving that to us," aniya.
Kung dati raw ay apat hangang limang pasyente ang inaalagaan ng bawat isang nurse, ngayon daw ay umaabot na sa 10 hanggang 14 pasyente.
Ayon naman kay Reena Silva, nurse sa Queens Hospital na nasa ilalim ng New York City Health + Hospital, kung noong pandemic ay tinagurian silang mga bayani, ngayon ay tila raw kinalimutan na sila ng gobyerno.
"It's so unfair that after the pandemic we are zero hero now. So we need a fair contract at this time, so we beg for support for nurses in New York. We have a lot of Filipinos nurses — male, female Filipino nurses — and we are struggling for a fair staffing everytime," aniya.
Ganito rin ang saloobin ng registered nurse na si Wanda Gonzalez.
"We need fair pay and safe staffing to provide quality and dignified care to our community. That’s why we’re calling on the mayor to help us now. Please do the right thing. We are always on the frontlines to help New York through every crisis — don’t leave us behind now," sabi ni Gonzalez.
Ilang buwan ng nasa negotiating table ang city government at New York State Nurses Association pero hangang ngayon ay wala pa rin daw na malinaw na kasunduan.
Hiling ng public nurse sector na ipantay na lang sa private hospital ang kanilang safe staffing standard at compensation para manatili sila sa city health + Hospital.
Inihayag naman ni John Bahia mula sa tanggapan ni Steve Raga, ang kauna-unahang Filipino-American na nahalal bilang New York State Assemblyman, na babantayan nila ang negosasyon para makamit ng mga nurse ang kanilang mga hiling.
"First of all we're here to support sa lahat ng nurses na nag-fight sa kanilang contract. Second is to support the nurses association as much as they can pagdating sa mga negotiation, pagbigay ng pressure sa city natin at a call para marinig ng city natin kung ano ang kailangan ng mga nurses dito sa New York City," ani Bahia. —KBK, GMA Integrated News