Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaligtasan at may nakalatag na contingency plan para sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Taiwan.
Inihayag ito ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega nitong Lunes, makaraang sabihin ni Chinese Ambassador Huang Xilian na dapat isipin ng Pilipinas ang kapakanan ng 150,000 OFWs sa Taiwan sa harap ng pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Amerika.
Dapat dapat tutulan ng Pilipinas ang isinusulong na kasarinlan ng Taiwan, na sinasabi ng China na bahagi ng kanilang teritoryo bilang isang lalawigan.
“Any diplomat will say things to advance their country’s interest,” sabi ni De Vega sa panayam ng mga mamamahag, ayon sa tweet ni GMA Integrated News reporter Ian Cruz.
“Importante ang presence ng Filipino workers abroad. I don't think he meant, nobody means they are going to harm our workers. Not at all. Do they mean they won’t hire anymore?” dagdag ng opisyal.
Nitong Linggo, sinabi ng Chinese Embassy na misquoted, misunderstood, o taken out of context ang pahayag ni Huang tungkol sa OFWs sa Taiwan.
“It is appreciated that there was extensive coverage on Ambassador Huang Xilian’s speech at the 8th Manila Forum. Unfortunately, some misquoted or misinterpreted Ambassador Huang’s remarks or simply took part of the Ambassador's words out of context,” ayon sa post sa Facebook ng Chinese Embassy.
Nitong Biyernes, sinabi ni Huang na dapat tutulan ng Pilipinas ang pagsusulong ng Taiwan sa kasarinlan kung nagmamalasakit ang pamahalaan sa 150,000 OFWs doon [Taiwan].
“The Philippines is advised to unequivocally oppose ‘Taiwan Independence’ rather than stoking the fire by offering the US access to the military bases near the Taiwan Strait if you care genuinely about the 150,000 OFWs,” patungkol sa Huang sa panibagong lokasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), na tatlo sa apat na bagong lokasyon ay nakapuwesto malapit sa Taiwan Strait.
Pinabulaanan ng Department of National Defense ng Pilipinas na nagiging daan ng pag-init ng tensyon sa rehiyon sa Asya ang EDCA.
Iginiit naman ni National Security Council spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya, na “the Philippines has no intention of interfering in the Taiwan issue and will not allow itself to be used by other countries to interfere in the said issue.”
Nanawagan naman si Senador Risa Hontiveros sa Malacañang na paalisin ng Pilipinas si Huang dahil sa tila pagbabanta nito sa mga OFW sa Taiwan.— FRJ, GMA Integrated News